Loading…

Balang Araw - Lahat ng tayo'y nagtatalo, dahil sa pera'y nagbabago.

Supling

  • Duration: 5:26 Artist: Feat. Melody Arcenal

Supling

  • Released On: December 6, 2020
5:26

Lyrics

Una pa lang kitang nakita
Di ko inakala na ang puso kong ito'y iyong makukuha
Nagsimula lahat sa kantyawan napunta sa lambingan
Hanggang sa tuluyang nauwi sa totohanan
Ang ating pagmamahalan

Sa simula puno ng ligaya
Ang ating nadarama
Hanggang sa nagbunga ang ating pagsasama

Subalit sa paglipas ng taon
Unti unti tayong sinubok ng panahon
Nasabi ko sa sarili sa hirap man oh ginhawa
Tayo ay magsasama

Ngunit anong nangyari
Mga pangako mo'y napako
Nauwi sa hikbi ang puso kong sawi
Araw araw, Gabi gabi ako'y lumuluha
Nagtatanong sa may kapal
Bakit mo ito nagawa

Ngayon ako'y dumadalangin
Sana sayo'y makarating
Iyong alalahanin ang ating mga supling
Wala na akong iba pang hiling
Kundi ika'y muling makapiling
At isang araw ikaw ay darating

Subalit sa paglipas ng taon
Unti unti tayong sinubok ng panahon
Nasabi ko sa sarili sa hirap man oh ginhawa
Tayo ay magsasama
Ngunit anong nangyari
Mga pangako mo'y napako
Nauwi sa hikbi ang puso kong sawi
Araw araw, Gabi gabi ako'y lumuluha
Nagtatanong sa may kapal
Bakit mo ito nagawa