Loading…

Balang Araw - Lahat ng tayo'y nagtatalo, dahil sa pera'y nagbabago.

Inay

  • Duration: 4:58 Artist: Feat. Dhave Santos

Inay

  • Released On: December 6, 2020
4:58

Lyrics

Ilaw ng tahanan, tawag ng lahat
Ikaw ang nagturo sa akin ng lahat lahat
Mga sakripisyo mo'y, walang makakapantay
Ikaw lang ang nagiisang Inay

Salamat inay dahil ikaw ang nagbigay
Nagturo ng tama at sa daan ay gumabay
Sa aking paglakbay mga turo mo'y aking dala
Di ko malilimutan maganda na alaala
Aking damang dama lahat ng iyong paghihirap
Ikaw ay nagsumikap upang tayo'y di maghirap
Salamat inay sa sakripisyo mong inalay
Ikaw ang nagbigay sa akin ng magandang buhay
Salamat inay ikaw ang nagsilbing gabay
Kaya ngayon nakamit ko ang tagumpay

Ikaw, ikaw ang dahilan kung ba't ako nabubuhay
Ikaw ang nagbigay liwanag sa aking paglalakbay

Mula nung pagkabata hanggang sa pagtanda
Ni minsan ay hinding hindi ka sa akin nagsawa
Mga kasalanan ko'y, mga pagkakamali
Kabutihan pa ang yong sinukli

Mahal ko na inay lahat ay iyong binigay
Hindi ka nagdalawang isip kahit ako'y pasaway
Hindi man ako perpekto at maraming kalokohan
Ngunit kahit kailan hindi mo ko pinabayaan
Ikaw ang lakas naming magkakapatid
Buong pusong pagmamahal walang makakapatid
At sa iyong pagtanda ako'y magaaruga
At babawi sa lahat ng iyong mga nagawa
Kaya ang kantang ito sa yo ay aking iaalay
Lagi mong tatandaan mahal kita INAY

Ikaw, ikaw ang dahilan kung ba't ako nabubuhay
Ikaw ang nagbigay liwanag sa aking paglalakbay

Maraming salamat Oh aking Inay. Pagmamahal mo'y Walang makakapantay