Bakit Ba?
- Released On: December 6, 2020
Lyrics
Oh kay bilis namang lumipas ng panahon
Ngayo'y tinatanaw ko na lang ang kahapon
Ang dating kay saya mga araw na kapiling ka
Di ko lubos na maisip na tayo ngayo'y magpapaalam
Ang bawat ihip ng hangin bulong ay panalangin
Di mapigilang lingunin ang bawat sandaling kapiling ka
Oh bakit ba nagbabago ang ikot ng mundo
Oh bakit ba naglalaho ang pinapangarap ko
Bigla na lang lumalayo at muling sinusuyo.
Kung maibabalik ko lamang ang dati
Hindi ko sasayangin ang bawat sandali
Lumisan man ang iba buhay pa rin sa alaala