Para Sayo
- Released On: November 3, 2021
Lyrics
Ang layo ng aking lalakbayin
Anong oras pa mkakarating
Ngunit para sayo
Ito ay aking lalakarin
Wala man akong maibigay
Ng magagandang mga bagay
Ngunit para sayo
Buhay koy iaalay
Wala man akong yaman na maipagmamalaki sayo
Ang tanging maibibigay ko lang sayo.
Ang katapatan ng pagmamahal walang hanggan
Hinding hindi magbabago itoy pinapangako ko
Isusugal ang buhay ko kung may mangaaway sayo
Lahat ay aking gagawin, ikay palaging susundin
Hindi man maging maginhawa
Ang buhay sa piling ko
Mayaman k naman sa pagmamahal ko.
Ang layo ng aking tatawirin
Sampung oras pa mkakarating
Ngunit para sayo
Dagat may lalanguyin
Wala man akong bahay at sasakyan
Na aking maipagyayabang
Pero para sayo ako pa ri'y inibig mo