Tagay Na
- Released On: December 7, 2020
Lyrics
Kay tagal din nating di nagkita
Kamusta na ang rotonda
Naalala nyo pa ba ang kalokohan
Nang ating pinagsamahan
Sa pagsapit ng dilim
Sa rotonda uumagahin
Tagay na pare ko wag ng patagalin
Ilabas na ang baso gitara't magkantahan tayo
Sa umaga pagising masakit pa ang ulo
Matatawa ka na lang sa mga pinaggagawa mo
Nakakamis din panahon na magkasama
Kamusta na ang rotonda
Naalala nyo pa ba ang kasiyahan
Nang ating pinagsamahan
Sa pagsapit ng dilim
Sa rotonda uumagahin
Tagay na pare ko wag ng patagalin
Ilabas na ang baso gitara't magkantahan tayo
Sa umaga pagising masakit pa ang ulo
Matatawa ka na lang sa mga pinaggagawa mo