Oh Kay Gandang Buhay
- Released On: November 3, 2021
Lyrics
Magpasalamat habang ikay nabubuhy, oh kay gandang buhay
Hindi pa ba sapat ang pagising sa umaga
Makita ang sikat ng araw
Kahit salat sa hirap
Ikaw ay magsusumikap
Matupad lahat ng yong pangarap
Oh kay sarap pagmasdan
Papasikat na araw hanggang kailan kaya matatanaw
Oh kay gandang buhay
Masayat makulay magpasalamat habang ikay nabubuhay
Problema'y kay bigat pilitin mong tumawa
Isipin ang pamilyang umaasa
Hindi sa lahat ng oras
Ikaw ay magdurusa
Labanan lng at hindi ka nagiisa
Oh kay sarap pagmasdan
Papalubog na araw, kasabay ng ibong hindi na matanaw
Oh kay gandang buhay
Masayat makulay magpasalamat habang ikay nabubuhay
Isipay litong lito, kay daming gumugulo
Tanong moy bakit ba nagyayari sayo
Hindi naman nagkulang
Sa dasal at panalangin
Tiwala lang at ikaw din ay diringgin
Oh kay sarap pakinggan musika ng kalikasan
Kasabay ng luhang hindi mapigilan
Sadyang ganyan ang buhay kailangan mong masanay
May magpasa habang ikay nabubuhay
Oh kay sarap langhapin
Sariwat malamig na hangin
Pumikit at sabayan pa ng panalangin
Oh kay gandang buhay
Masaya't makulay magpasalamat habang ikay nabubuhay