Loading…

Kahit Na - Dagat man ang ating pagitan di ito magiging hadlang nang ating pagmamahalan.

Kung Nandito Ka Lang

  • Duration: 5:44 Artist: Jarv

Kung Nandito Ka Lang

  • Released On: September 12, 2022
5:44

Lyrics

Kung nandito ka lang, Sa aking tabi
Wala kong sasayangin, Oras ay gugugulin
Sayo pagkat ikaw ay namimiss ko

Kung nandito ka lang, Iyong maririnig
Lahat ng pagsisisi, Mga araw na nasayang
Ngayon ikaw ay laging hinahanap ko

Kahit wala ka na'y
Buhay pa rin ang ating mga ala-ala

Hindi ko man natikman ang karangyaan
Pero tinuro mo sakin ang kahulugan
Na ang bawat tao dito'y may karapatan
Na ang lahat ng bagay ay merong katapusan

Masasaya nating alaala
Sa larawan na lang makikita

Kung nandito ka lang iyong madarama
Higpit ng aking yakap na kay tagal mong hinanap
Ngayon ito ay hinahanap hanap ko

Kung nandito ka lang iyong makikita
Na ako'y nahihirapan mula ng yong iniwan
Pero ito'y pilit na kakayanin ko

Kahit wala ka na'y
Nakatanim pa rin lahat ng yong mga paalala

Hindi ko man natikman ang karangyaan
Pero tinuro mo sakin ang kahulugan
Na ang bawat tao dito'y may karapatan
Na ang lahat ng bagay ay merong katapusan

Kung nandito ka lang