Habang Ikaw Ay Bata
- Released On: December 22, 2020
Lyrics
Naranasan mo na bang maglaro sa putikan
Tuwang tuwa habang bumubuhos ang ulan
Panahong di kilala ang pera sabik sa laruan
Pag-aaral lang ang tanging alam
Binabalik tanaw na lang ang nakaraan
Nalulungkot pagkat di na pwedeng balikan
Mga tuhod mo ay unti unting rumurupok
Pumuputi na rin ang yong buhok
Hindi lng ako lahat tyo tumatanda
Gawing makabuluhan ang buhay mo
Habang ikaw ay bata
Mga naging kaibigan mong di malimutan
Ngayon ay iilan di mo pa maramdaman
Panahong sabik sa pagibig bawat oras kay saya
Una kong halik tandang tanda ko pa
Bumabalik tanaw nalang lahat ng nagdaan
Naluluha pagkat di na pwedeng balikan
Mga mata mo ay unti unting lulabo
Kumukunot na rin ang yong noo
Hindi lng ikaw lahat tyo tumatanda
Gawing makabuluhan ang buhay mo
Habang ikaw ay bata
Ang dating masaya't kasabay Sa iisang mesa
Ngayo'y kumakain ng magisa
Mga ngipin mo ay unti unti nawawala
Nawawala na rin ang alaala
Hindi lng ikaw lahat tyo tumatanda
Gawing makabuluhan ang buhay mo
Habang ikaw ay bata
Tatanda ka rin, Lahat ng ito'y sasapitin
Tatanda ka rin, Lahat ng ito'y sasapitin