Loading…

Bagong Taon Na Naman - Bagong taon na naman bagong pagsubok na mararanasan.

By Roose(Virus)

  • Duration: 5:00 Artist: Jarv

By Roose(Virus)

  • Released On: December 6, 2020
5:00

Lyrics

Ginising mo, ang natutulog kong mundo
Marami buhay na ang inagaw mo
Hanggang kaian mo ba pahihirapan
Mga tao ngayo'y takot
Pagkat wala ka pang gamot

Araw araw dumadami at padami ng padami
Ang namamatay ng dahil sayo.

Wala ka na ngang naitutulong
Reklamo ka pa dito, reklamo doon
Dumadagdag pa ang gobyernong kurakot
Kakainin na lng ng iba
Nirerepack mo pa.

Araw araw dumadami at lalo pang dadami
Ang mamamatay ng dahil sayo

Araw araw marami ang nagdurusa
Pamilyang nagugutom, kailan ba mahihilom
Ang puso ng bawat isa na dating kay saya
Babalik din ang lahat manalangin ka.

Kailangan natin ngayon ay pangunawa
Maraming buhay ang tinataya
hindi biro ang kanilang sakripisyo
Buwis buhay para sa bayan ko.

Araw araw nanalig kapayapaan sa daigdig
At wala ng mamatay ng dahil sayo.

Araw araw marami ang nagdurusa
Pamilyang nagugutom, kailan ba mahihilom
Ang puso ng bawat isa na dating kay saya
Babalik din ang lahat manalangin ka.
Babalik din ang lahat manalangin ka.
Babalik din ang lahat manalangin ka.